Higit 20 tricycle na iligal na nagteterminal sa Maynila, inimpound ng MMDA

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 2634

Binatak ng mga tow truck ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang higit dalawampung tricycle na iligal na nagteterminal sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Santa Cruz, Maynila ngayong araw.

Bahagi ang operasyon na ito ng pinaigting na kampanya kaugnay ng total tricycle ban sa lahat ng national road na mandato ng MMDA. Inimpound din ang ilang sasakyang nakaharang sa mga bangketa.

Pinagsabihan rin ang mga kawani ng barangay na tumulong sa pagtanggal ng tila mukhang junk shop na center island sa bahagi ng naturang kalsada.

Nilinaw naman ni bong nebrija, mmda traffic supervising officer for operations, hindi pinapatay ng mga otoridad ang hanapbuhay ng mga tricycle driver kundi inilalagay lang ang mga ito sa ayos.

 

Tags: , ,