Higit 100 civilian volunteers sa Quezon City, sumailalim sa traffic management seminar ng I-Act

by Radyo La Verdad | October 20, 2016 (Thursday) | 1036

joan_volunteer
Aminado ang Inter Agency Council for Traffic o I-Act na kulang na kulang ang kanilang mga tauhan para sa pagsasaayos ng trapiko sa buong Metro Manila.

Bunsod nito nakikipagunnayan na ang grupo sa mga local government official upang humingi ng tulong sa pagmamando ng traffic sa ilang secondary road gaya ng mabuhay lanes.

Kanina mahigit isang daang civilian volunteer mula sa Quezon City ang sumailalim sa traffic management seminar ng I-Act sa pakikipagtulungan task force daloy trapiko na binubuo ng grupo ng mga motor at bicycle rider.

Tinuruan ang mga volunteer ng basic traffic signs and rules, violations, at iba pang mga pamamaraan sa pagsasaayos ng daloy ng mga sasakyan.

Sa oras na makumpleto ang seminar, susuriin ang mga volunteer upang matukoy kung maari na silang maideploy.

Bagaman walang inaasahang sweldo, nahikayat ang mga volunteer sa sumali sa proyekto, sa layuning masolusyunan ang matagal nang problema sa traffic.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,