Hightened alert, itinaas ng PNP sa buong bansa

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 1160

WILBEN-MAYOR
Itinaas na sa hightened alert mula sa normal alert ang pwersa ng PNP sa buong bansa.

Ito ay bahagi ng ipinatutupad na seguridad ng pulisya kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga pulitiko.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, kapag naka-hightened alert, kinakailangang 30% ng buong pwersa ang naka-standby sa mga istasyon o kampo at iniextend ng 2 oras ang duty ng mga ito.

Ang hightened alert ay hanggang sa pagtatapos ng filing ng certificate of candidacay at kung kailangang ma extend ay iiextend naman ito ng PNP.

Tags: ,