Highest Single-Day Rise sa COVID-19 cases ng bansa muling naitala matapos ang halos 7K karagdagang kaso kahapon

by Erika Endraca | August 11, 2020 (Tuesday) | 4577

METRO MANILA – Naitala na naman kahapon (August 10) ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa loob ng ng isang araw kung saan umabot ito sa 6, 958.

Ito na ang ika- 12 araw na mahigit 3,000 ang bagong kaso sa loob ng isang araw .

Kaya naman pumalo na sa 136, 638 ang COVID- 19 cases sa Pilipinas 66, 186 ang active cases sa bansa.

Nguni’t mas mataas pa rin ang mga gumaling sa sakit kung saan umabot na ito sa 68, 159 habang ang death toll naman ay 2, 294 na.

Samantala, ikinalungkot naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na pagtaas NG COVID-19 cases sa bansa.

Nagbabala rin ang Punong Ehekutibo na mapipilitan siyang gumamit ng pwersa ng militar kung lalala pa ang sitwasyon ng Coronavirus pandemic bunsod ng kawalang disiplina at paglabag sa health protocols at quarantine.

“Pag hindi talaga madala, and it’s a runaway contagion, mapipilitan akong gumamit ng military dahil talagang kulang ang pulis. Kung nandiyan ang military to enforce you to obey itong community quarantine lockdown, sumunod kayo dahil para sa inyo yan.”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, hinihikayat ngayon ng Department Of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng face mask kahit pa nasa loob ng bahay.

Lalo na kung may kasama o miyembro ng pamilya na may sintomas ng COVID-19

Gayundin kung may kapamilya na bahagi ng vulnerable population
kabilang na dito ang mga senior citizen at mga taong may pre-exisitng medical condition o mga may sakit, buntis at mga bata.

Nauna nang ipinaliwanag ng DOH na posibleng mabawasan ng 85% ang transmission rate ng COVID-19 kung nakasuot ng face mask at iba pang personal protective gear ang isang tao.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: