Highest daily COVID-19 cases simula noong Abril, naitala sa bansa; mga kaso, tataas pa sa mga susunod na araw – DOH

by Erika Endraca | August 9, 2021 (Monday) | 4836

METRO MANILA – Muling nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 10,000 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw makalipas ang halos 3 buwan.

Noong Biyernes umabot ito sa 10,623 at 11, 021 naman noong Sabado. April 17 ngayong taon nang huling makapagtala ng mahigit 11,000 cases sa bansa

Ayon sa Department Of Health (DOH), simula pa lang ang pagpalo ng kaso at tataas pa ang bilang na ito sa mga susunod na araw.

“Nararamdaman na po natin ang epekto ng delta variant dito po sa ating bansa. Amin po naming nakikta based also on projections na tataas pa rin po ang mga kasong ito. Ito pong ginagawa natin ngayon na paghihigpit na restrictions or classifications ay ang ating adhikain dyan is to delay further increase pero hindi niyan patitigilin tutuloy pa rin ang pagtaas pero ang ating ginagawa ngayon is to prepare our system for this continuous increase in the number of cases” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Batay sa ulat ng DOH 64% na sa mga ICU bed ang okupado sa buong bansa. At 45% rin sa mga ventilators ang ginagamit na.

Nagbigay naman ng direktiba ang DOH sa mga ospital na ilipat sa mga pasilidad ang mga mild at asymptomatic cases upang may paglagakan ng mga severe at critical COVID-19 patients sa mga ospital.

“Pinadagdagan po natin ang mga ICU, pinapa- decongest natin ang mga hospital dito sa mga mild at asymptomatic at ililipat po sila sa mga step down facilities. Hindi naman po para tanggihan ang mga pasyente sa ating hospital. Ire- redirect lang po sila that’s why we are asking our local governments and hospital facilities to have a navigation system” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Kasabay ng pagtaas ng kaso sa bansa, hinihikayat ng DOH ang mga nasa priority sector na magpabakuna na.

Sa inisyal na ulat ng Philippine General Hospital, karamihan ng mga na-ospital at nagkaroon ng severe COVID-19 infection ay hindi bakunado

May pag-aaral din ang DOH at healthcare workers kung saan nakita na ang mga nahahawa ng Delta variant at nasasawi ay mga hindi pa nakakapagbakuna.

Sa 9 na nasawi dahil sa Delta variant sa Pilipinas, 3 sa mga ito ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang COVID-19 shot. 5 sa mga ito ay bineberipika pa ang vaccination status.

“When it comes to death, nakita po natin sa pag- aaral na ito although as I’ve said this is still initial, nakita natin unvaccinated po talaga iyong mga namamatay and wala po tayong naitalang namatay among those vaccinated in different hospitals included in this study” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukuyan Beta variant pa rin na unang natuklasan sa South Africa ang dominant variant sa Pilipinas na may 2, 362 cases, 450 naman ang Delta variant cases.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,

Walang nasawi dahil sa MPOX sa Pilipinas — DOH

by Radyo La Verdad | June 10, 2024 (Monday) | 105453

METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naiulat na nasawi dahil sa Monkeypox na tinatawag na ngayong MPOX.

Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, walang pasyenteng nasawi sa MPOX mula sa anomang rehiyon ng bansa .

Nilinaw ito kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng DOH sa Central Visayas ang pagkasawi ng isang 27-anyos na lalaki mula sa Negros Oriental, sa pinaghihinalaang kaso ng MPOX.

Paliwanag ni Asec. Domingo, halos magkahawig kasi ang mga butlig o sintomas ng chickenpox, shingles, herpes, at MPIX.

Kaya paalala niya na antayin ang opisyal na pahayag mula sa DOH at iwasan ang paggamit ng hindi beripikadong impormasyon.

Tags: ,

Bilang ng tinamaan ng Pertussis sa Caraga, umakyat na sa 9; suspected cases, nadagdagan ng 7

by Radyo La Verdad | June 4, 2024 (Tuesday) | 104800

METRO MANILA – Umakyat na sa 9 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na Pertussis sa buong Caraga region mula January 1 hanggang kahapon, June 3.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa 5 ay naging 9 ang nagpositibo sa rehiyon sa pagpasok ng buwan ng hunyo. 7 rito ay mula sa Surigao Del Norte habang tig-1 naman sa Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.

Samantala, nasa 7 naman ang bagong suspected cases na naitala sa rehiyon. Sa ngayon 3 na ang nasawi dahil sa sakit na Pertussis sa Caraga.

Paalala ng kagawaran sa publiko na ang nasabing sakit ay nagsisimula lamang sa mild cough at lagnat na umaabot hanggang 2 Linggo, at pag-ubo naman na umaabot hanggang 6 na Linggo kaya mas maiging magpatingin agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas na ito upang hindi na lumala pa.

Tags: ,

Ex-DOH Sec. Garin, binalaan ang publiko sa paggamit ng vape kasunod ng 1st death sa PH

by Radyo La Verdad | June 3, 2024 (Monday) | 99626

METRO MANILA – Binalaan ni House Deputy Majority Leader at dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ang publiko laban sa paggamit ng vape.

Kasunod ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas dahil sa paggamit nito kung saan ang isang 22 anyos na lalaki ang nasawi matapos ang tuloy-tuloy na paggamit ng vape sa loob ng 2 taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na kailangan mamulat na ang lahat sa panganib ng paggamit ng naturang device lalo na sa mga kabataan dahil sa masamang epekto nito sa katawan na maaaring mauwi sa kamatayan.

Ikinababahala ni Representative Garin ang mga ulat na nagsasabing may mga kabataang edad 13 anyos ang nahuling gumagamit na ng e-cigarette at vapes kaya muli nitong binigyang-diin na hindi safe na gawing alternatibong paraan ang nasabing kagamitan para maiwasan ang paninigarilyo.

Tags: ,

More News