High-value targets, tutukan ng PDEA sa anti-drug operations

by Radyo La Verdad | October 12, 2017 (Thursday) | 1890

Tiwala ang hepe ng PDEA na kakayanin nila ang pagiging sole agency na magsasagawa ng anti-illegal drugs operations. Tutukan nila ngayon ang mga malalaking isda na gumagalaw sa industriya ng iligal na droga.

Makikipag-ugnayan pa rin sila sa ibang law enforcement agency kung kakailanganin ang tulong ng mga ito. Handa naman ang PNP Drug Enforcement Group na umalalay sa PDEA.

Samantala, sari-saring laboratory equipment at mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu ang sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kaninang umaga.

Aabot sa 10.6 million pesos ang halaga ng mga sinirang sangkap at kagamitan. Sinunog ng PDEA ang mga solid chemicals habang hinaluan naman ng ibang kemikal ang mga likidong sangkap sa paggawa ng shabu upang hindi na mapakinabangan.

Nakuha ang naturang mga kemikal at laboratory equipment sa mga isinagawang operasyon ng PDEA mula noong 2014.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,