High value targets, tinutugis na ng PNP-Drug Enforcement Group kaugnay ng pamamayagpag ng bentahan ng iligal na droga

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 1971


Nalarma ang bagong tatag na PNP-Drug Enforcement Group sa mabilis na pagbaba ng market price ng iligal na droga.

Ibig sabihin daw nito, ay talamak na naman ang bentahan ng droga.

Bumalik umano sa isang libong piso kada gramo ang presyo nito nang itigil ng PNP ang kanilang anti-illegal drug operation.

Subalit sa kasagsagan ng police operation pumalo ito sa limang libong piso kada gramo dahil sa shortage ng kanilang supply.

Kaya naman ngayon tinutugis na nila ang mga nagsusupply ng droga sa merkado.

Dumaan sa masusing pagpili at background check ang mga tauhan ng PDEG dahil base sa bagong direktiba sila nalang ang maaaring magsagawa ng mga operasyon kontra droga.

Nag-request narin sila ng mga body camera na gagamitin ng mga pulis sa operasyon.

Katulong parin ng Philippine Drug Enforcement Agency at Armed Forces of the Philippines sa mga operasyon.

Nakiusap narin ang PDEG sa Department of Justice upang maipagpatuloy ang mga pending high value cases nila sa korte.

Kabilang sa mga kasong ito ay ang mga shabu laboratory na nadisbubre sa Subic, Angeles, Masbate at Apari maging ang kaso ng droga na kinasasangkutan ni dating PDEA Personnel Marine Lt.Col. Ferdinand Marcelino.

Naglagay rin ng PDEG ng sariling counter intelligence task force para regular na magbabantayan ang kanilang mga tauhan at matiyak na hindi ito mai-involved sa katiwalian.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,