High risk inmate sa New Bilibid Prisons, may bagong kulungan na

by Radyo La Verdad | July 15, 2015 (Wednesday) | 7794

NBP
Ipinakita na sa media ang bagong kulungan sa New Bilibid Prisons na tinaguriang Building 14.

Dito nakatakdang ilipat ang ilang inmates mula sa maximum security kabilang na ang tinaguriang Bilibid 19 na sa kasalukuyan ay nasa NBI Detention Facility.

Ayon kay Secretary Leila de Lima, bukod sa Bilibid 19, pinipili pa nila ang iba pang high risk inmates na ililipat sa bagong gusali na isang ring maximum security prison.
Prayoridad din nilang mailipat sa naturang prison facility ay yung mga may drug related case.

Dating execution chamber ng electrica silya ang pinagtatayuan ng building 14, na opisyal namang tatawagin na Security Housing Building.

8 square meters ang sukat ng bawat selda na ayon sa mga taga Bucor ay sumusunod sa international standards na 4 square meters kada tao.

Mayroong itong 29 na selda na may tig dalawang inmates bawat kwarto.

Ang bawat kwarto ay may comfort room, double decked bed, labatory, at electric fan para sa kanilang ventilation.

Sa kabubuuan ay nasa 58 ang inmates mailalagay dito.

Nasa 50 jail guards ang magbabantay dito bukod may cctv sa kada sulok ng building.

Siniguro ni De lima na magiging mahigpit ang seguridad dito sa building.

Paliwanag ni De lima, ang layon ng pagtatayo ng building fourteen ay upang masiguro na mapigilan ang paggawa ng illegal na transaksyon ng mga inmate sa loob ng kulungan.

Sa ngayon ay wala pang naitatakdang petsa kung kailan ililipat sa building fourteen ang tinaguriang Bilibid 19 at iba pang mapipiling high profile at high risk inmates ngunit target nila na sa huling linggo ng Hulyo ito gawin.

Tags: , ,