High mobility artillery rocket system ng Amerika, ginamit sa balikatan live fire exercise sa Tarlac

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 2571

BALIKATAN
Sa pagpapatuloy ng Balikatan 2016, sumabak naman kahapon ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa live fire exercise dito sa Crow Valley sa lalawigan ng Tarlac.

Highlight sa pagsasanay ng mga sundalo ang High Mobility Artillery Rocket System o HIMARS ng Amerika na kinapapalooban ng M777 Howitzer, AH1W Cobra, CH-53E Super Stallion at MV-228 Osprey.

Truck-mounted ito na kayang magdala ng anim na rocket o isang malaking MGM-140 atacms surface to surface missiles.

Sa lakas nito, kayang patamaan ang target na nasa layong 300 kilometro.

Ito ang unang pagkakataong ginamit ang HIMARS sa war game ng US at Philippine Armed Forces.

Sa ganda at lakas ng HIMARS, malaki ang maitutulong nito upang mapa-angat ang military capability ng bansa na isa sa pinakamahina sa Asia-Pacific Region.

Sa ngayon ay wala pang kakayahan ang Pilipinas na bumili ng ganitong armas ngunit ayon sa Amerika, handa naman nila itong ipahiram kung kakailanganin.

Mahigit sa limang libong sundalo ang lumahok sa pagsasanay na may layuning maipakita ang inter-operability ng Marines, Air Force at Army.

Ang Balikatan Exercises ng Pilipinas at Amerika ay tatagal hanggang April 15.

(Bryan Lacanlale/UNTV NEWS)

Tags: ,