High frequency radio, ginamit ng NDRRMC upang matiyak na hindi mawawala ang komunikasyon sa mga probinsyang apektado ng bagyo

by Radyo La Verdad | October 20, 2016 (Thursday) | 1925

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_NDRRMC
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa higit 18 thousand na pamilya o mahigit siyam na pung libong inidibidwal ang sumunod sa pre-emptive evacuation ng pamahalaan dahil sa Super Typhoon Lawin.

Naiulat rin na may ilang evacuation center na lumipad ang bubong pero hindi naman tuluyang nasira.

Nguni’t ayon pamahalaan, mas napuruhan ang Northern Luzon Region nang manalasa mula kagabi hanggang ngayong araw ang matinding bagyo.

May regionwide power outage sa Cordillera Administrative Region.

Hindi rin madaanan ang mga kalsada sa CAR, Cagayan at Isabela dahil sa pagguho ng lupa, pagbagsak ng puno at poste ng kuryente.

Gumawa naman ng hakbang ang NDRRMC para di masira ang komunikasyon sa local at regional councils.

Ayon sa NDRRMC nakamonitor at nagbibigay sila ng update kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pinsala ng bagyo.

Wala pang kinukumpirma ang ndrrmc na namatay at nawawala sa pananalasa ng malakas na bagyo.

Ayon naman sa DSWD may sapat na food pack ang mga evacuee na tatagal sa loob ng dalawang araw.

May nakastandby na rin na relief goods sa mga warehouse sa strategic locations sa mga apektadong rehiyon.

Maghahanda naman ang pamahalaan ng initial assessment sa halaga ng pinsala ng Super Typhoon Lawin dahil kailangan munang makuha ang lahat ng report mula sa regional at local councils.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,