Agaw pansin ngayon sa mga turista ang higanteng boookshelf sa Kansas City.
Binubuo ito ng dalawampu’t dalawang magkakaibang libro mula sa Ray Bradbury’s Fahrenheit 451 hanggang Lao Tzu’s Tao Te Ching.
Ang bawat aklat ay may taas na 25 feet at lapad na 9 feet.
Tila ito ang World’s Biggest Bookshelf dahil sa laki ng mga libro kaya nitong takpan ang buong harapan ang parking garage ng naturang publikong silid aklatan.
Dahil dito hindi mapigilan ng mga dumadaan pati na ng mga turista na mamangha sa naglalakihang mga libro at kung papaano ito ginawa.
Mas magandang anyang puntahan ang giant bookshelf tuwing winter dahil sa kapag summer season natatakpan ng mga sanga ng puno ang ibang titulo ng mga libro.
(UNTV RADIO)
Tags: boookshelf