Hero’s welcome, isinasagawa ngayong araw sa Bacolod City para sa mga sundalong nakipaglaban sa Mindanao

by Radyo La Verdad | November 3, 2017 (Friday) | 2239

Nakabalik na sa probinsiya ng Negros Occidental ang mahigit isang daang mga sundalo na ipinadala ng Philippine Army sa Mindanao.

Ang mga ito ay mula sa Division Reconnaissance Company ng 3rd Infantry Division.

Bilang pagkilala sa kagitingan ng mga ito, isang hero’s welcome ang isinasagawa ngayong araw dito sa Provincial Capitol Grounds.

Pangungunahan mamaya ni Negros Occidental Governor Alfredo Marañon Jr. at 3rd Infantry Division Commander Major Gen. Jon Aying ang pagbibigay parangal sa mga sundalong nakipaglaban sa mga ISIS-inspired Maute terrorist group sa Marawi City.

Sa loob ng limang buwang pakipagbabakan ng mga ito, limang Negrense ang nasawi.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,