Hepe ng AFP, nagbabala sa mga sundalong magiging sangkot sa pulitika habang papalapit ang 2016 national elections

by Radyo La Verdad | January 8, 2016 (Friday) | 1344

GEN-HERNANDO-IRRIBERI
Isang buwan na nag-ikot si AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri sa mga AFP unit sa buong Pilipinas upang ulit-ulitin at bigyang-diin sa bawat commander at bawat sundalo ang pagiging apolitical o nonpartisan ng Armed Forces.

Kaya naman sa unang linggo ng 2016, at isang buwan bago ang official campaign period, muli itong nagpaalaala at nagbabala sa bawat sundalo, airman, sailor at marine na wag kakampi o magpapagamit sa sinumang kandidato o political groups dahil may karampatan itong parusa.

Binanggit din ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na bahagi ng mandato ng mga sundalo ang pagiging apolitical.

Pagka-dismiss sa serbisyo at pagkansela sa lahat ng benepisyo bilang sundalo ang kakaharapin sa sinomang mapatunayang lumabag sa alituntuning ito.

Dagdag pa rito, isang buwan bago pa man mag-umpisa ang election period sa January 10, nagbigay na ng marching order ang heneral na i-recall ang mga sundalong security escorts ng mga political candidate.

Iginiit din nito na ang Commission on Elections ang may karapatang magdetermina kung sino-sinong mga opisyal ng pamahalaan at kandidato ang mananatiling may police at military security personnel.

Samantala, magsasagawa naman ng command conference ang afp ngayong araw upang i-assess ang na-aaccomplish na ng AFP
sa Oplan Bayanihan program nito.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,