Bagamat kinatigan ng Court of Appeals ang kanyang apela na ibalik sya sa serbisyo matapos na madawit sa rubber boat scam sa PNP.
Masama pa rin ang loob ni dating Region 8 Director PCSupt. Asher Dolina.
Ayon kay Dolina, bagama’t ibabalik sa kanya ang nawalang pitong buwan na sweldo at ilang benipisyo, hindi nito maibabalik ang kahihiyan at reputasyong nasira dahil sa kaso.
Kaya naman apela nito sa Ombudsman, ayusin ang imbestigasyon sa bawat kasong hinahawakan
Sinabi pa ni Dolina na sila ang nagrequest ng investigation noon upang malaman ang rason kung paano nabili ng PNP ang mga coastal craft gayong hindi nila ito inaprubahan bilang director ng maritime group at miyembro ng bids and awards committee.
Kayat natataka ang mga ito na sila pa ang nadiin sa kaso
Sinabi naman ni PNP PIO Chief PCSupt. Wilben Mayor na kapag bumalik ang mga ito sa serbisyo ay maaaring sa Office of the Chief PNP o kaya naman ay sa personnel holding and admin unit muna sila ilagay.
Ang 20 opisyal ng PNP na dinismiss ng Ombudsman dahil sa sinasabing maanomalyang pagbili ng 20 rubberboat ng pnp sa halagang 4.5 million pesos noong 2009.
Sa nasabing mga opisyal apat pa lamang ang nadesisyunan ng Court of Appeals na mabalik sa pwesto na kinabibilangan nina:
PCSUPT. Asher Dolina
PCSupt. Ferdinand Yuzon
Senior Superintendent Thomas Abellar
Senior Superintendent Rico Payonga
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Heneral na napawalang sala sa rubber boat scam, nasirang reputasyon