Maaaring umabot sa 41°C ang heat index ditto sa Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, dahil sa mataas na ambient o surface temperature at relative humidity, posibleng umakyat sa 41°C ang heat index sa Kamaynilaan.
Inaasahan ng PAGASA na ang magiging agwat ng temperatura sa Metro Manila ngayong araw ay mula sa 23 hanggang 35°C.
Paalala naman ng ahensya sa mga manggagawa tulad ng mga construction worker, street sweepers at iba pang nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw na uminom ng maraming tubig, madalas na magpalilim at magsuot ng mga damit na light colored.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com