Hearing sa impeachment complaint vs CJ Sereno, hindi dapat magtagal – Atty. Larry Gadon

by Radyo La Verdad | November 20, 2017 (Monday) | 2376

Sisimulan nang dinggin ng House Committee on Justice ngayong Miyerkules ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Imbitado kapwa sa pagdinig si Sereno at ang complainant na si Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Gadon, resource persons ang magiging pagtrato sa kanila ni Sereno kagaya ng ordinaryong pagdinig o imbestigasyon.

Ayon pa kay Gadon, wala itong ipinagkaiba sa preliminary investigation ng piskalya kung saan mabilisang sinusuri ang mga ebidensiya.

Probable cause lamang aniya ang titingnan dito at hindi ang buong merito ng reklamo kaya hindi dapat magtagal ang pagdinig.

Bagamat pinapayagan aniya ang cross-examination sa panuntunan ng Kamara, limitado lamang ang pagtatanong sa mga resource person at kongresista.

Dagdag pa ni Gadon, sa impeachment trial na sa senado dapat gawin ang cross-examination na ipinipilit ng mga abogado ni Sereno.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,