Health workers’ allowance, tuloy pa rin kahit natapos ang State of Calamity Declaration

by Radyo La Verdad | February 2, 2023 (Thursday) | 1136

METRO MANILA – Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang patuloy na pagbibigay ng COVID-19 allowance sa mga health worker kahit na natapos ang deklarasyon ng State of Calamity sa bansa.

Ito ang inihayag ng pangulo sa pulong niya sa mga health official sa malakanyang nitong Miyerkules, February 1.

Ayon sa pangulo, pinag-aaralan na ng pamahalaan kung paano hindi maaapektuhan ang ibinibigay na allowance sa health workers kahit hindi na itinuloy ang State of Calamity.

Tinalakay din sa pulong ang ukol sa sitwasyon sa kaso ng COVID-19 sa bansa at ang pagbili ng bakuna.

Tags: