Health sector sa Negros Occidental, isinailalim sa ‘code white’ alert

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1298

PRIMROSE_WHITE-CODE
Nagdeklara ng ‘code white’ ang Negros Occidental Provincial Health Office, kasama ang Department of Health bilang paghahanda sa nalalapit na national at local elections.

Sa ilalim ng code white, nakalagay sa on-call status ang emergency service, mga nurse at administrative personnel na nasa hospital dormitory.

Dapat nakaalerto din ang manpower sa hospital tulad ng general at orthopedic surgeons, anesthesiologists, internists, operating room nurses, at opthalmologists para sa mabils na pagresponde sa mga emergency cases.

Pinayuhan ni Provincial Health Officer Dr. Ernell Tumimbang ang lahat lalo na ang mga kandidato na magdala ng tubig at gumamit ng payong sa pagpunta sa kani-kanilang mga presinto upang bumuto.

Dagdag pa niya, mas lalo tataas ang stress at pressure lalo na ilang araw na lang ang nalalabi bago ang elections.

(Primrose Guilaran / UNTV Correspondent)

Tags: ,