Health Sec. Duque, suportado pa rin ng Philippine Hospital Assoc., sa kabila ng mga panawagan ng pagbibitiw sa puwesto

by Radyo La Verdad | May 26, 2020 (Tuesday) | 5193

METRO MANILA – Magpapatuloy pa rin ang suporta Phil. Hospital Association (PHA) kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng mga panawagan ng ilang medical professionals sa mga pribadong ospital na bumaba na ito sa pwesto.

Ayon kay Dr. Jaime Almora,  Presidente ng Phil Hospital Association, hindi dapat ngayon panahon ng pamumulitika dahil abala ang mga frontline healthcare workers sa pagtugon sa sitwasyon ng Covid-19  sa bansa.

Ang PHA ay binubuo ng halos dalawang libong government at private hospital members.

“I would say there is no clamor for the drastic changes in the departmemt of health right now. Tanggalin po muna natin ang pulitika sa ating Covid-19 campaign po. Magtulong- tulungan po iyon po ang focus natin ngayon. How to cooperate and make our efforts be united in this fight,” ani Dr. Jaime Almora, President, Phil. Hospital Association.

Noong abril nagpahayag ng suporta kay Secretary Duque ang malalaking grupo ng medical professionals sa bansa, kasama na dito ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI).

Nguni’t kahapon ay nagpadala ang PHAPI ng sulat kay Pangulong Duterte upang hilingin na mapalitan na sa pwesto si Sec. Duque.

Binubuo ang PHAPI ng 744 na private hospitals.

Sa isang pahinang liham sinabi ng grupo na sawa na sila sa mga pangako ng PHILHEALTH at ng DOH sa problema sa usapin ng pagbabayad sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism na anila ay mistula lamang silang pinaiikutan.

Ang tanging hiling lang din aniya ngayon ng PHA ay mabigyan na ang lahat ng mga ospital malaki man o maliit ng kanilang supply ng PPE at ang pinansyal na suporta mula sa PHILHEALTH.

“We have our chat group and we even blast them. There is no clamor for any changes in the Department of Health Except, some hospitals have not received yet their PPEs and we hope to get a survey today and get the names of those who haven’t received yet and forward ito to DOH. There are still some of the smaller hospitals who have not received their IRM,IR, fund from PHILHEALTH,” pahayag ni Dr. Jaime Almora, President, Phil. Hospital Association.

Ayon pa sa PHA, mahirap ang sitwasyon ngayon ng bansa laban sa pandemic nguni’t kumikilos naman aniya ang pamahalaan at nagsusumikap na matugunan ng DOH ang pangangailangang medikal ng Covid-19 cases.

(Aiko Miguel)

Tags: ,