Health & Safety Protocols, mahigpit na ipatupad upang maiwasang ang superspreader event – DOH

by Radyo La Verdad | November 29, 2021 (Monday) | 3077

METRO MANILA – All set na ang pamahalaan para sa 3 araw na national vaccination drive simula ngayong araw (November 29).

Mahigit sa 12,000 vaccination sites ang bukas na binubuo ng 36,000 covid-19 vaccination teams sa buong bansa ang tututok sa bakunahan

Inaasahang dadagsa rito ang mga hindi pa bakunado kaya’t nagpaalala ang doh na kailangan pa ring magsuot ng maayos ng face mask at panatilihin ang physical distancing upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19

Samantala, inanunsyo naman sa isang joint statement ng National Task Against COVID-19 at national vaccination operations center na ibaba na lang sa siyam na milyon ang target sa tatlong araw na pagbabakuna kontra COVID-19 sa buong bansa

Paliwanag ng mga otoridad, ito ay dahil may kakulangan sa suplay partikular na ang syringes para sa Pfizer- Biontech COVID-19 vaccines at iba pang logistical challenges

Tiniyak naman ng doh na nakapag- order na rin ng supply ng 44 million syringes sa united nations children’s fund para hindi ito maging dahil ng pagbagal ng COVID-19 vaccination sa susunod na taon

Nakahanda rin naman ang pamahalaan kahit na lumagpas pa sa target na bilang ang magpapabakuna

Inanunsyo rin ng pamahalaan na magkakaroon pa ng round 2 ang national vaccination days sa disyembre upang mabakunahan ang nasa 54 million na mga pilipino ngayong 2021

Wala ng dahilan para hindi tayo makahabol na hindi mabakunahan

Ang target na bilang ng vaccinees sa susunod na round ay depende kung maabot ang target sa 3 araw na national vaccination days

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: