Health protocols vs COVID-19, magiging bahagi na ng routine ng mga Pinoy- Pres. Duterte

by Erika Endraca | August 17, 2021 (Tuesday) | 17048

METRO MANILA – Patuloy ang pananalasa ng COVID-19 pandemic sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, asahan nang magtatagal ang suliraning ito kaya magiging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang pagsunod sa health protocols.

Partikular na ang social distancing, pagsusuot ng face mask, hand hygiene at pagbabakuna.

“Dumating ang panahon, matagal pa ito, itong virus na ito will jsut circulate in the air for years so itong mask, itong limited social contacts natin, nandiyan na yan, yung distancing , sa bahay, ganuon na ang buhay ng Pilipino, I think for the next how many years, hindi na mawala yan the virus is here to stay, and it will change your life, at least forever until mawala ito.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinikayat naman ng Pangulo ang mga eligible na sa COVID-19 vaccine na magpabakuna na.

Bagamat hindi garantiya ang bakuna na hindi na mahahawa sa COVID-19, batay sa datos, nakapagbibigay naman ito ng proteksyon laban sa pagkakaroon ng matinding pagkakasakit at pagkamatay.

“Sabihin ko sa Pilipino, the first opportunity, magpabakuna kayo. It might save your life.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa huling ulat ng pamahalaan, 27.8 million doses na ang administered sa bansa at 12.56 million na mga Pilipino na ang fully vaccinated o 17.73% ng eligible population ng Pilipinas.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,