Health officials naka alerto na bunsod ng tumatagas na waste water mula sa gumuhong iron ore dam sa Brazil

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1501
Mining waste water in  Minas Gerais,Brazil(REUTERS)
Mining waste water in Minas Gerais,Brazil(REUTERS)

Inalerto na ang mga health official sa Brazil matapos kumalat ang mining waste water mula sa mga gumuhong iron ore dam sa Minas Gerais noong Huwebes.

Sa aerial footage mula sa bayan ng Bento Rodrigues makikita ang makapal na putik at lawak ng pinsalang idinulot ng bumigay na dalawang dam.

Sa ngayon ay patuloy paring hinahanap ng mga rescue team ang dalawamput dalawang nawawala habang nadagdagan naman ng apat ang bilang ng mga nasawi.

Sinusuri na ng State Health Officials ang kalidad ng tubig sa mga ilog.

Pinayuhan rin ng mga ito ang mga residente na itapon na ang kanilang mga damit at kagamitan na naputikan dahil sa mining waste water.

Babala ng mga biologist posibleng maging permanante na ang epekto nito sa kalikasan, palaisdaan at mga bukid.

Tags: , ,