Health advocate group, sumugod sa opisina ng Sanofi Pasteur sa Taguig City

by Radyo La Verdad | March 6, 2018 (Tuesday) | 5568

Sumugod sa tanggapan ng Sanofi Pasteur sa Taguig City ang isang grupo ng health advocate upang kondenahin naging kapabayaan umano ng kumpanya sa Dengvaxia anomaly.

Ayon sa Coalition for People’s Right to Health (CPRH), nilabag ng Sanofi ang karapatan ng mga pasyente na malaman ang totoong epekto ng Dengvaxia vaccine.

Iginiit ng grupo na dapat ay bayaran ng Sanofi ang mga magulang ng mga batang nabakunahan.

Sinisi rin ng grupo ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na nanguna sa pagpapabakuna sa libo-libong mga bata.

 

Tags: , ,