Hazing suspect na si John Paul Solano, palalayain muna pero hindi pa lusot sa kaso – DOJ

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 2191

Pansamantala munang makakalaya ang hazing suspect na si John Paul Solano habang isinasagawa ng DOJ ang mas malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.

Sa anim na pahinang resolusyon kahapon, inirekomenda ng DOJ prosecutor na magsagawa ng preliminary investigation sa mga reklamong murder, paglabag sa anti hazing law, robbery at perjury na inihain ng mga magulang ni atio laban kay Solano at labinglima pang mga suspek.

Dahil dito, obligado ang Manila Police District na pakawalan muna si Solano na kusang sumuko noong Martes.

Pero paglilinaw ng DOJ, hindi ibig sabihin nito ay lusot na siya sa mga kaso. Naglabas na rin ng subpoena ang DOJ para sa mga suspek at pinadadalo ang mga ito sa pagdinig sa October 4 at 9.

Ito ay upang mabigyan sila ng pagkakataon na sagutin ang reklamo ng pamilya Castillo.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,