Hazing, maituturing na ‘Heinous Crime’ – PNP Chief Oscar Albayalde

by Erika Endraca | September 24, 2019 (Tuesday) | 6867
P H O T O : Philippines Lifestyle News

MANILA, Philippines – Itinuturing ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na “Heinous Crime” ang Hazing gaya ng murder o pamamaslang.

Ganito rin ang pananaw ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo na sumusuporta sa panawagang magbitiw ang hepe ng Philippine Military Academy (PMA) kasunod ng pagkamatay ng isang kadete dahil sa insidente ng Hazing.

“Hazing is basically plain and simple murder.Hazing is a heinous crime.” ani PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Katwiran ni Albayalde, planado ang ginagawang Hazing o anomang klase ng pananakit sa indibidwal bago mapabilang sa isang grupo. Samantala, ipinagbabawal na ito sa ilalim ng Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018.

Nitong Biyernes (September 20) lamang, kinumpirma ng pulisya na napatay sa hazing si PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Sa pahayag ng PMA at PNP Baguio, tiniyak na kakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law ang mga mapatutunayang nanakit sa kadete. 3 kadete na ang itinuturing ngayon na suspek sa krimen, 2 ipa ba ang bagong persons of interest habang 9 naman ang mgatestigo.

“I’m suggesting that there must be a law that will make the heads like the PMA accountable criminally, tigil yan, alam mo pag ginawa mong criminally subject sila sa prosecution, I don’t think magkakaroon pa ng hazing kahit sa mga fraternity, gawing ang mga head ipapakulong.” ani Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo.

(April Cenedoza | UNTV News)

Tags: ,