Hawak na aplikasyon ni Sen. Antonio Trillanes IV, susuriin ng DND kung authentic sakaling isumite sa kanila

by Radyo La Verdad | September 7, 2018 (Friday) | 5480

Hindi pa rin natatagpuan ng Department of National Defense (DND) ang umano’y dokumentong isinumite ni Sen. Antonio Trillanes IV para sa kanyang amnestiya noon.

Ayon kay DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, wala silang makitang record ng aplikasyon nito ng amnesty.

Aniya, hindi rin sila dapat na sisihin kung bakit hindi ito matagpuan dahil wala pa sila sa DND ng umano’y nagproseso ang senador para sa kanyang amnestiya.

Sinabi pa ni Andolong na welcome sa kanila sakaling isumite ni Trillanes ang mga hawak nyang dokumento sa kanilang tanggapan, ngunit susuriin nila ang authenticity ng mga ito.

Sinabi ni AFP Spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo na isa sa tatlong dahilan ng pagbawi ng Presidente sa amnestiya ni Trillanes ang nawawalang record hinggil sa amnesty application nito.

Kahapon ng umaga, iprenisinta ni Sen. Trillanes sa media ang mga hawak nitong dokumento na umano’y galing pa sa mga kaibigan niya sa DND.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,