Hawaan ng Covid-19 sa bansa, mas bumilis pa – Octa Research Group

by Erika Endraca | March 23, 2021 (Tuesday) | 1976

METRO MANILA – Mula sa 1.9 na naitalang reproduction number noong nakaraang Linggo, nito lamang weekend umakyat pa sa 2.07 ang bilis ng hawaan ng Covid-19 sa bansa ayon sa Octa Research Group.

Ibig sabihin sa kada isang pasyente na may Covid-19 pwede pa itong makahawa ng 2 o higit pa na makakasalamuha nito.

Sa pagaaral ng mga eksperto, ang paglaganap ng variants ng Covid-19 ang nakikita nilang dahilan kaya’t mas bumilis pa ang hawaan ng mga tinatamaan ng virus,

“There is a momentum on the side of the virus it’s spreading very quickly and right now it’s very hard to slowdown the momentum of the virus because right now it has a very strong upward push.. I believe most of what spreading now in other regions were also driven by the variant” ani Octa Research Team Fellow, Prof. Guido David.

Bagaman isang Linggo na ang nakakalipas mula nang ibalik ang unified curfew hours, granular lockdowns, ban sa mga menor edad na lumabas ng bahay at iba pang mga ordinansa…

Sa ngayon wala pa ring nakakitang epekto ang Octa Research Group para mapabagal ang reproduction rate ng virus.

“We did not see a strong downward push based on this, infact late last week during the media brieifng we mentioned that reproduction number decrease slightly I think it was around 1.9 ot 1.95 at that time pero after this weekend with big numbers tumaas na naman ulit with 2.07 so it is not the desired effect that we are hoping to see” ani Octa Research Team Fellow, Prof. Guido David.

Nanatili pa rin sa 10,000 Covid-19 cases kada araw sa katapusan ng Marso ang projection ng Octa Research, kung saan limang libo sa mga ito ay magmumula sa Metro Manila.

Sa pagtaya ng grupo, posibleng abutin pa ng ilang buwan ang ganitong sitwasyon ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 na maaaring magpabigat pa sa ating health care capacity.

Sa kabila nito, binigyang diin ng mga eksperto na hindi nila layong takutin ang publiko, kundi batay lamang ito sa mga datos at siyensa na napatunayan na noon pang nakaraang taon nang magumpisa ang Covid-19 pandemic.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,