Sa dalawang magkasunod na survey ng dalawang agency ay umabante ang ratings ni Senador Bong Bong Marcos, ngunit dikit pa rin at hindi pa rin malayo ang lamang nito kina Senador Chiz Escudero at Camarines Sur Representative Leni Robredo.
Ayon sa Political Analyst na si Ramon Casiple, nakikinabang ng malaki si Marcos dahil nahahati ang boto ng mga Anti-Marcos.
Sa kabila nito, asahan pa rin ang posibleng magiging pagbabago sa ratings ng mga Vice Presidentiable dahil naman sa nakasaksihang debate noong Linggo.
Samantala, sa survey naman ng Pulse Asia sa mga presidentiable ay nangunguna na si Duterte.
Malaki ang nakuhang ratings ni Duterte at Poe sa National Capital Region samantalang malaki rin ang nakukha ni VP Binay sa ilang bahagi ng Luzon.
Si Roxas naman ay malaking ang nakuhang rating sa vote-rich-Visayas Region kumpara sa ibang kandidato, samantalang si Duterte ay nakuha ang Mindanao Region.
Sa obserbasyon ni Casiple, hindi gaanong nagiging epektibo ang pangangampanya ni Pangulong Aquino kay Liberal Party Standard Bearer Roxas.
Hindi naman ito sinang-ayunan ng Malakanyang.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ang pasya pa rin ng taumbayan ang mananaig sa araw mismo ng halalan.
Kaugnay nito, payo ng ilang analyst sa mga kandidato kaugnay ng paparating na presidential debate, mas ipakita ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma para sa bayan at hindi dapat mauwi sa personalan.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)
Tags: Ramon Casiple, ratings
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com