Gumawa ng digital platform ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade Industry (DTI) upang matiyak na maging maayos ang pamamahagi ng suplay ng pagkain sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng matibay na pagkakasunduan ng DA at DTI ang Deliver-E ay isang modernong proseso ng marketing na nagdudugtong sa taga gawa ng produkto at sa mga mamimili nawalang kinakailangang trading layers.
Pinayagan ang mga mamimili na derektang maka-access sa mga prudoktong agrikultura at iba pang pangunahing pangangailangan. Tinanggal naman ang ng middlemen, mabibiling sariwa at sa mababang presyo ang mga produkto.
Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor, mga kooperatiba ng mga magsasaka, at ng United State Agency for International Development (USAID) ay opisyal nang nailunsad ang sistema noong December 14.
Nag ooperate ang Deliver-E gamit ang mga pinaka sopistikatibong teknolohiya na dinevelope ng isang Filipino tech startup na Insight supply chain solutions (Insight SCS) kalakip ng mga may kaugnayan sa e-commerce at logistic application services mula sa consolidation point patungo sa central warehousing facility na maabot ang pinaka malayong lugar ng mga end client.
Ipinakilala ang launch mula sa isang multi-stakeholder commitment pledge na naglalayong mapataas at mapaunlad ang agriculture value chain at pangkalahatang seguridad ng pagkain sa ating bansa sa kabila ng crisis na nararanasan ngayong COVID-19 pandemic.
Nangako ang agri chief na panghahawakan nito ang kanilang obligasyon na panatilihin ang itinakdang target sa agriculture sector sa ilalim ng Plant, Plant, Plant, at bilang parte ng karaniwang obligasyon ng ahensya.
Sa mensahe ni DTI Secretary Mon Lopez, binigyang diin nya na ang naturang pagpapasimula ay parte ng istratehiya ng national goverment upang mabigy daan sa mga Pilipino ang kasanayan sa new normal.
Dagdag pa niya na kahit mayroong kinakaharap na suliranin, gamit ang teknolohiya ng Delivery-E nagsisilbi itong susi sa mga sulosyong makakapagpanatiling mapabuti ang agriculture value chain sa Pilipinas, at dahil dito masisiguradong hindi mawawalan ng pagkain ang bansa at mapapaunlad ang buhay ng bawat magsasakang Pinoy.
(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)
Tags: DA, Delivery-E, DTI