Harry Roque, itinalaga ni Duterte bilang bagong Presidential Spokesperson

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 2988

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga nito kay Kabayan Partylist Representative at human rights lawyer Harry Roque bilang bagong miyembro ng kaniyang gabinete at Presidential spokesperson.

Sa panayam sa media kagabi bago ito tumulak patungong Japan, tumanggi na ang Pangulo na ipaliwanag kung ano ang dahilan sa likod ng desisyon nito.

Ngunit ayon sa Pangulo, tiwala siya sa kapasidad ni Roque bilang kaniyang bagong tagapagsalita.

Hindi rin nito ipinaliwanag kung bakit inalis si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella at kung itatalaga ba ito sa bagong posisyon.

Samantala, sinabi naman ng bagong tagapagsalita ng Pangulo na pagbubutihin ang kaniyang trabaho  at pagtutuunan ng pansin ang human rights issues.

Bukod dito ay pinag-aaralan na rin umano niya ang iba pang posisyon ng Pangulo kaugnay ng iba’t-ibang isyu.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,