Metro Manila, Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kautusan para sa pagsasailalim sa hard lockdown ng Sampaloc District.
Ayon kay Mayor Isko , simula ito sa gabi ng April 23 haggang April 25.
Bunsod nito, mahigpit na ipagbabawal ang paglabas ng tahanan ng mga residente.
Kakanselahin din ang mga inisyung quarantine pass ng mga residente kaya pinapayuhan ang mga ito na bilhin na ang lahat ng kinakailangan para sa dalawang araw na lockdown.
Eexempted naman sa naturang hakbangang mga frontliner, barangay officers at iba pang essential workers ng pamahalaan.
‘Sa amin pong palagay, sa masusing pag aaral isa ito sa makakatulong na mapababa natin ang bilang ng contagion ng COVID-19.’ ani Manila Mayor Francisco Domagoso.
Nagbabala rin si Yorme na dadalhin sa isang holding facility ang sinumang lalabag sa kautusan.
Tags: hard lockdown, Maynila