Mahigit isang buwan lang o 38 days to be exact na nakaranas ng malinis na hangin sa kapitolyo ng Vietnam, Nag-Hanoi.
Ayon sa report ng Green Innovation and Development Center o GREENID, ang average air pollution level sa Hanoi ay mas mataas pa sa itinakdang limit ng World Health Organization.
Ilan sa tinuturong dahilan nito ay ang pagdami ng construction works, pagdami ng mga sasakyan at ang slash and burn method ng mga magsasala.
Dahil dyan ay nagdesisyon ang pamahalaan ng Vietnam na maglagay ng may 70 air monitoring stations na magbabanay sa kalidad ng hangin.
Sa Ho Chi Minh City, hindi pa masyadong polluted.
( RJ Timoteo / UNTV Correspondent )