Hanggang hitang tubig baha, nararanasan sa Balagtas, Bulacan

by Radyo La Verdad | August 13, 2018 (Monday) | 6330

Dahil walang tigil na pag-ulan na dulot ng habagat at sinabayan pa ng high tide kaya hindi pa rin humuhupa ang tubig baha sa Balagtas, Bulacan.

Simula pa kagabi hangang ngayon, lubog pa rin sa baha ang Mc. Arthur Highway sa bayan ng Balagtas, partikular sa Balagtas Public Market kung saan abot hangang tuhod na ang baha.

Pahirapan na rin dumaan ang mga sasakyan, tumitirik naman ang ilang mga motorsiklo at trycycle na nagpipilit lumusong sa baha. Tumitirik naman ang ilang mga motorsiklo at trycycle na nagpipilit lumusong sa baha.

Tatlong barangay naman ang lagpas tuhod ang baha, kabilang dito ang Barangay Wawa, Panginay at Burol. Nagsilikas na rin ang mga residente na nakatira malapit sa mga ilog.

Samantala, sa bayan naman ng Marilao ay lubog sa baha ang Constatino Subdivision sa Barangay Poblacion Dos. Abot hanggang hita na ang baha sa lugar dahil hindi na madaanan ng maliliit na sasakyan ang kalsada.

Nagbabangka na lang ang mga residente at nagbabayad ng halagang 30 piso kada isang tao.

Hanggang binti naman ang baha  sa Mc. Arthur Highway sa Barangay Ibayo Marilao, ngunit passable pa naman ito sa lahat ng uri ng sasakyan.

Habang sa bayan ng Calumpit, mahigit dalawampung barangay na ang apektado dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Bustos Dam na sinabayan pa ng hightide.

Pahirapan din ang mga residente sa Calumpit dahil patuloy pang tumataas ang baha sa kanilang lugar dahil sa tubig baha galing sa Pampanga.

Sa ngayon, umabot na sa 992 pamilya ang mga nasa evacuation center sa Bulacan.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng PDRRMC at municipal at provincial government sa magiging lagay ng panahon at pagmomonitor sa mga Bulakenyo.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,