Tiniyak ng Philippine National Police na handa na sila sa ipatutupad na seguridad sa darating na halalan sa may 2016.
Nabuo ang security measures matapos ang serye ng pakikipag-usap sa Armed Forces of the Philippines at Commission on Elections.
Ayon kay PNP Chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez, may listahan na sila ng mga lugar kung saan aktibo ang Private Armed Groups o PAGS.
Tuloy-tuloy din ang monitoring nila sa ibat ibang lugar na posibleng mapabilang sa itinuturing na areas of concern.
Sinabi pa ng heneral na nakahanda din sila sa pagdaragdag ng mga tauhan sa lugar na matutukoy na areas of concern ngayong halalan.
Gayunman, kung ang kasalukuyang sitwasyon aniya ang pagbabasehan, mas tahimik ngayon kumpara noong mga nakaraang halalan kung saan may mga naitala nang napatay na pulitiko bago pa man ang filing ng COC.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)