Halos lahat ng mga rehiyon sa bansa, may suspected cases na ng nCoV – DOH

by Erika Endraca | February 11, 2020 (Tuesday) | 1165

METRO MANILA – 314 na ang Patients Under Investigation (PUI) sa Pilipinas. Ang mga ito ay naitala mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon sa Department Of Health (DOH) halos lahat ng rehiyon sa bansa ay mayroon nang suspected cases ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019 nCoV-ARD).

Halos 200 sa mga ito ay mga Pilipino, 99 ang Chinese at ang natitira ay halo-halong foreign nationals. Nilinaw naman ng DOH na bagaman karamihan sa mga PUI ay Pilipino wala pa rin sa mga ito ang positibo sa 2019-nCoV Acute Respiratory Disease.

Nananatiling 3 lamang ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa , habang 109 naman sa mga PUI ang nag- negatibo na sa naturang virus at 202 ang hinihintay ang confirmatory test mula sa RITM

“No local transmision yet and in fact we have 109 tests that turned out to be negative and no additional positive tests, so there are still the 3 imported cases” ani DOH Spokesman USec. Rolando Enrique Domingo .

Nitong Sabado (Feb. 8) naman nakalabas na sa ospital ang 38 taong gulang na babaeng Chinese mula sa Wuhan, China na unang confirmed case sa bansa. Ayon sa DOH, magaling na ito nguni’t kinukumpirma pa kung nakabalik na ito ng China

Nilinaw ng DOH  na hind pa kumpirmado ang kumakalat na ulat na naihahawa o naipapasa sa pamamagitan ng airborne transmission ang nCoV.

“I did ask for information on this on the who office and they said that there’s nothing conclusive about it this time.” ani DOH Spokesman, USec Rolando Enrique Domingo.

Samantala may inilabas ng real time 2019 nCoV tracker ang DOH sa kanilang website upang makita ng publiko kung ilan na ang mga PUI na naitatala sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: