Halos 900 munisipalidad sa bansa, kabilang sa election areas of concern – PNP

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 1901

Nasa 896 na munisipalidad o halos walong libong barangay sa buong bansa ang kabilang sa election areas of concern ng PNP.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde tatlong araw bago ang filing of candidacy para sa 2019 elections.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, karamihan dito ay mula sa ARMM, Region 5, Region 8 at Region 7.

Aniya, sa National Capital Region (NCR), 9 na siyudad ang pasok sa listahan.

Ayon sa heneral, isasailim sa evaluation ang mga pulis na naka-assign sa naturang mga lugar upang matukoy kung kailangan silang ilipat sa ibang lugar bago ang halalan.

Ayon kay Albayalde, bumuo na ang PNP ng isang special operations task group na tututok sa seguridad ng darating na halalan lalo na sa mga lugar na itinuturing na areas of concern.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,