Halos 600 residente sa San Jose Del Monte, Bulacan naserbisyuhan sa libreng medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | December 4, 2015 (Friday) | 2391

nestor_medical-mission
Iba’t-ibang uri ng karamdaman, kawalan ng pambili ng gamot at maayos na medical facilities at personnel… ito ang problemang madalas na kinakaharap at idinaraing ng mga residente sa Barangay Kaypian sa San Jose Del Monte city, Bulacan.

Kaya naman laking tuwa ng mga residente nang magtungo sa lugar ang medical team ng UNTV at ng members, Church of God International upang magsagawa ng libreng medical mission.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa medical mission ay ang libreng konsultasyon at check-up sa mga bata at matatanda, libreng pagpapabunot ng ngipin, pagpapagawa ng salamin sa mata, ecg, physical therapy at libreng gupit.

Si Aling Josephina Barsaga, kahit hirap sa paghinga, ay nagpumilit na makapunta sa medical mission upang maidulog ang kanyang karamdaman.

Naipa-eksamen rin niya ang kanyang nanlalabong paningin at naipabunot ang sirang ngipin.

Sa kabuuan, umabot sa limandaan at walumpu’t anim ang bilang ng mga natulungan sa libreng medical mission ng UNTV at MCGI sa Barangay Kaypian.

Umaasa rin ang mga residente na hindi rito magtatapos ang pagtulong sa kanila ng untv at mcgi na bahagi ng adbokasiyang ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama.(Nestor Torres/UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,