579 na pasahero ang nastranded ngayong araw sa limang major port sa Luzon dahil kay Chedeng ayon sa Philippine Coast Guard.
360 biyahero ang hindi nakaalis sa Talao-Talao port, 92 sa Balanacan at 12 naman sa Salome port sa Southern Tagalog region.
103 stranded passengers naman ang naitala sa Tabaco port at 12 sa Pasacao port sa Bicol.
Samantala, walong vessels, isang motor banca at 17 rolling cargoes ang hindi rin nakaalis sa mga nasabing pantalan dahil sa sama ng panahon.
Paalala ng Coast Guard na kanselado ang mga biyahe ng sasakyang pandagat sa mga lugar na may storm warning signal.