Halos 3,000 empleyado ng nasunog na NCCC Mall sa Davao City, bibigyan ng pansamantalang trabaho ng DOLE

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 2828

Sinimulan na ng Department of Labor and Employment Region 11 o DOLE-11 ang Emergency Employment Program Orientation sa mga empleyado ng New City Commercial Center Mall sa Davao City na naapektuhan ng sunog noong Disyembre.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, target ng programa na mabigyan ng pansamantalang hanap-buhay sa loob ng tatlumpung araw ang 2,925 na mga empleyado habang hindi pa naiilipat ang mga ito pamunuan ng mall sa ibang branch

Ang programa na ito ng DOLE ay nabigyan ng P30 milyong budget, at kayang makapagpasweldo ng P340 per day sa mga empleyado.

Samantala, inihayag din ni Sec. Bello na sinulatan niya si Philippine Economic Zone Authority o PEZA Director General Charity Plaza upang ipaalam dito na nire-revoke na ng DOLE ang lahat ng kasunduan sa ahensya na nagbibigay dito ng responsibilidad na syang magsagawa ng technical safety inspections sa mga economic zone.

Ayon sa Labor Code of the Philippines, ang DOLE ang  may pangunahing mandato upang ipatupad ang Labor laws at standards.

inatasan na rin ni Sec. Bello ang mga regional office heads na magsagawa ng mas mahigpit na inspection sa mga establisyimento upang matiyak na naipatutupad ang safety at health standards para sa mga empleyado.

Plano rin ng DOLE na kumuha ng karagdagang 2000 inspectors upang mapaigting ang inspection capabilities nito sa mga kumpanya.

 

( Marisol Montaño / UNTV Correspondent )

Tags: , ,