Halos 200 evacuees sa Obando,Bulacan, binigyan muna ng relief goods bago umuwi

by Radyo La Verdad | October 21, 2016 (Friday) | 2469

nestor_nakauwi
Walong can goods, limang kilong bigas at iba pang relief goods na mula sa Department of Social Welfare and Development ang iniuwi ng nasa dalawaang daang residente sa Barangay Salambao, Obando, Bulacan na lumikas dahil sa Bagyong Lawin.

Bago pauwiin ang mga ito, nagsagawa muna ng libreng medical check-up ang municipal office sa mga nagkaroon ng ubo, sipon at lagnat.

Nagbigay naman ang Department of Health ng libreng bakuna sa tigdas sa mga sanggol na siyam na buwan hanggang dalawang taong gulang

Tumulong naman ang UNTV News and Rescue Team sa pagkuha ng blood pressure at body temperature ng mga batang may sakit.

Samantala, nakabalik na rin sa paghahanap buhay ang mga mangingisda matapos humupa ang malalakas na alon sa dagat.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,