Halos 2 linggong cloud seeding operation sa Zamboanga City, matagumpay

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1310

ZAMBO WATER SHED
Naging matagumpay ang halos dalawang linggong cloud seeding operation sa Zamboanga City na nagsimula noong ika-17 nitong buwan hanggang ika-28 ng Pebrero

Ayon kay Engr. Lorenzo Moron, batay sa kanilang monitoring ay may mga bahagi na ng lungsod na nakaranas ng ulan na pinaniniwalaang resulta ng cloud seeding operation.

Pangunahing target ng cloud seeding ang water shed area kung saan kumukuha ng tubig ang Zamboanga City water District na pinaka-water source sa lungsod.

Ayon naman kay Engr. Teotimo Reyes, ang production department head ng Zamboanga City Water District, hindi pa nadagdagan ang level ng tubig sa water shed.

Dahil dito, kailangan ulit nila ng panibagong schedule ng water rationing.

Tags: ,

Sulu-based Abu Sayyaf explosive expert, arestado sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | November 25, 2021 (Thursday) | 28087

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isang Abu Sayyaf Explosive Expert sa isinagawang law enforcement operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sitio Caragasan, Brgy. Maasin, Zamboanga City nitong Martes (November 23) ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Kalmi Mustala na pawang Sulu-based member ng ASG.

Si Mustala ay may standing warrant of arrest matapos na magmay-ari ng ilegal na pampasabog, double frustrated murder at double attempted murder na inisyu ng Sulu Regional Trial Court noong Hunyo 19, 2021.

Nasa kustodiya na ngayon ng Zamboanga City Police Office Headquarters ang naturang suspek bago iturn-over sa Jolo Police Station.

Samantala, nagsasagawa naman ngayon ng imbestigasyon ang mga otoridad upang malaman ang lawak ng pagkakasangkot ni Mustala sa mga aktibidad ng nasabing grupo.

(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

Mega Isolation Facility sa Zamboanga City, malapit ng buksan

by Radyo La Verdad | November 3, 2021 (Wednesday) | 27875

Nalalapit na ang pagbubukas ng P120 million mega isolation facility sa Zamboanga City ayon kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar.

Matatagpuan ang pasilidad sa Zamboanga Economic Zone area ng Sitio San Ramon, Barangay Talisayan, Zamboanga.

Naglalaman ng 320-bed capacity ang isoation center na makakatulong tugunan ang kakulangan ng mga
kama sa mga ospital bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COvid-19

Equipped din ang bawat kwarto ng Individual air-conditioning, comfort room at mga gamit para rito.

Mayroon din itong quarters para sa mga health front-liners, logistics room, at health care section, generator set at 8,000-liter capacity water tanker.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

Anak ng dating heneral at tumatakbong alkalde sa Zamboanga City, arestado dahil sa droga

by Jeck Deocampo | January 7, 2019 (Monday) | 42699

ZAMBOANGA, Philippines – Naaresto sa isinagawang manhunt operation ng Zamboanga City Police si Ashraf Kayzar Ikbala, 34-taong gulang, residente ng Barangay Tetuan, Zamboanga City nitong weekend. Nakuha sa kaniya ang pitong sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱156,400, pera at dalawang cellphone.

Si Ikbala ay anak ni dating PNP General Sukarno Ikbala na isa sa mga tatakbo sa pagka-alkalde sa siyudad sa 2019 elections.

Hinuli ito ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Catherine Fabian ng RTC branch 16, 9th Judicial Region, Zamboanga City sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 section 5 at 11.

Dati nang nahuli si Ikbala sa isang buy-bust operation subalit nakalaya ito matapos makapagpiyansa.

Ani PSSupt. Thomas Joseph Martir, ang director ng Zamboanga City Police, “mayroon din siyang dating kaso according sa nalaman ko because dati yata siyang nakalabas or dati rin yata siyang nahuli sa shabu rin.”

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Culianan Police Station.

(Dante Amento/ UNTV News)

Tags: , , , , , ,

More News