Aabot sa siyam na milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo at paputok ang nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Manila noong ika-21 at ika-27 ng Pebrero.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, idineklarang appliances at footware products galing China ang laman ng kargamento.
Agad namang inihiwalay ang mga paputok upang maiwasan ang peligro sa iba pang kargamento.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng BOC ang Paragon Platinum International Trading Corporation at Power Buster Marketing na siyang mga consignees ng nakumpiskang shipment.
Matapos ang imbestigasyon ay sisirain na ng BOC ang mga nasabat na produkto.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: BOC, China, smuggled na sigarilyo at paputok