Umabot na sa mahigit apat na milyong piso ang pinsala ng nararanasang sama ng panahon sa Pilipinas.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), 4.44 milyong piso na ang naitalang cost of damage sa agrikultura at ito ay sa Occidental Mindoro pa lamang.
Patuloy pa ring kumakalap ng impormasyon ang ahensya sa iba pang lugar na apektado ng ilang araw na pag-ulan dulot ng pagdaan ng Bagyong Henry at Inday na nagpalakas rin sa habagat.
Tags: habagat, NDRRMC, Occidental Mindoro