Halaga ng pagpapalakas ng relasyon ng PH at China, binigyang diin ni Pres. Marcos

by Radyo La Verdad | January 5, 2023 (Thursday) | 18578

METRO MANILA – Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na ang kaniyang state visit sa China ay magbubukas ng oportunidad na mapalakas ang kooperasyon ng 2 bansa.

Partikular na pagdating sa imprastraktura, turismo, trade at people-to-people ties.

Ito ang binigyang diin ng pangulo sa kaniyang pagharap kahapon (January 4) kay Li Zhanshu, Chairman ng Standing Committee of the National Peoples Congress.

Ang National Peoples Congress ay katumbas ng lehislatura sa Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Marcos Junior, mahalaga ang pagtutulungan ng Pilipinas at China upang malagpasan ang mga hamong kinakaharap ng ekonomiya.

Matapos nito ay nakaharap naman ni Pangulong Marcos si Chinese Premier Li Keqiang.

Ipinahayag ni PBBM ang kaniyang pribilehiyo na unang foreign leader na inimbitahan ng China ngayong 2023.

Binigyan naman ng arrival honors si Pangulong Marcos Junior sa great hall of the people sa Beijing.

Kung saan Winelcome si PBBM at si First Lady Louise Araneta Marcos nina Chinese President Xi Jinping at Chinese First Lady Peng Liyuan.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga kasunduan na malalagdaan sa pagbisita ni PBBM sa China ay malaking tulong sa sektor ng agrikultura at mapapabilis ang infrastructure program ng administrasyon.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,