Halaga ng Liquefied Petroleum Gas o LPG, tatapyasan naman simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 2162

LPG
Nagpatupad ng bawas presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG ang ilang kumpanya ng langis epektibo ngayong araw.

Tinapyasan ng Petron ng three pesos and forty centavos kada kilo o kabuoang thirty seven pesos and forty centavos bawat eleven kilogram na tangke ng gasul.

Tatlong piso at tatlumput anim na sentimo naman ang ibinawas sa kada kilo ng EC gas ng Eastern Petroleum Corporation o tatlumpung piso at kwarenta sentimos bawat 11-kilogram na tangke.

Inaasahang susunod na rin ang iba pang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng LPG price rollback.

Tags: , ,