Halaga kada litro ng langis, posibleng tumaas na naman ngayong linggo

by Radyo La Verdad | September 25, 2017 (Monday) | 1864

May panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ipatutupad ngayong linggo.

Inaasahang  kinse hanggang beinte sentimos ang maaring madagdag sa presyo ng isang  litro ng diesel at singkwenta hanggang sisenta sentimos sa kerosene.

Maari namang bumaba  ng singko sentimos ang halaga kada litro ng gasolina.

Noong nakaraang linggo nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo makalipas ang sunod-sunod na oil price increase sa loob ng halos dalawang buwan.

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,