Presyo ng LPG, tataas PO.50 – P 1 kada kilo ngayong linggo

by Erika Endraca | May 1, 2019 (Wednesday) | 4236

Manila, Philippines – Tataas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ngayong linggo.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, P 0.50 – P 1 ang madadagdag sa presyo nito kada kilo o nasa P 5 hanggang P 11 dagdag sa kada 11-kilogram na tangke

Bunsod anila ito ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Gayundin ang pabago-pabagong halaga sa palitan ng piso kontra dolyar. April 1 nang huling magpatupad ang ilang kumpanya ng langis ng price increase sa lpg.


Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,