Nagpahayag ng buong suporta si US President Barrack Obama sa hakbang ng Pilipinas na daanin sa prosesong naayon sa international law ang usapin sa territorial dispute ng China at Pilipinas.
Ginawa ni President Obama ang pahayag matapos ang bilateral meeting kay Pangulong Aquino kaninang umaga.
Ayon kay Obama, marapat lamang aniya na pagusapan ng lahat ng bansa ang anumang territorial dispute sa paraang naayon sa batas.
Bukod dito, Sinabi rin ni Obama na planong palakasin ng Estados Unidos ang kapasidad ng treaty partners nito sa Asya gaya ng Pilipinas.
Para din aniya maisagawa ito, makakatulong ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na kasalukuyang nakabinbin sa Supreme Court dahil sa pagsisiyasat.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: China, Estados Unidos, Pilipinas, US President Barrack Obama, West Philippine Sea
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com