Walang naitalang paggalaw sa inflation rate sa bansa noong nakaraang buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nanatili sa 6.7% ang inflation rate noong Oktubre, kapareho noong buwan ng Setyembre.
Naniniwala naman ang Malacañang na nagbunga ang mga hakbang ng pamahalaan kontra inflation.
Ito ang dahilan upang hindi na tumaas pa ang antas ng pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin sa merkado kaya itinuturing din itong good news ng Duterte admnistration.
Ilan sa mga hakbang na ginawa ng Duterte administration ay pagpapaigting ng importasyon ng bigas at iba pang pangunahing suplay ng pagkain.
Tags: inflation, Malacañang, Oktubre