Habagat, pinalalakas ng Bagyong Karding at LPA

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 2372

Wala pa ring epekto ang Bagyong Karding sa bansa.

Namataan ito ng PAGASA kaninang alas tres ng madaling araw sa layong 1,265km sa silangan ng Basco, Batanes.

Pinalalakas ni Karding at ng isa pang LPA sa West Philippine Sea (WPS) ang habagat na siya namang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Base sa forecast ng PAGASA, makararanas ng hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Western Visayas ang malaking bahagi ng Luzon liban na lamang sa Cagayan Valley.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng mga thunderstorms.

Matataas naman ang mga pag-alon sa western section ng Luzon kaya’t mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat dahil sa taas ng mga pag-alon.

Posibleng bukas o Sabado ng madaling araw ay lalabas na rin ng Philippine area of responsibility (PAR) si Karding.

 

 

 

 

Tags: , ,